_pang-masa
^

PM Sports

Gilas kinapos sa Jordan Tourney

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabigong makapasok sa finals ang Gilas Pilipinas matapos ang 84-74 kabiguan sa Jordan Team A sa semifinals ng 2021 King Abdullah Cup sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan.

Tanging si naturalized player Ange Koaume lang ang nakapagpakitang-gilas para sa Nationals sa kanyang 20 markers at anim na rebounds.

Ito na ang ikalawang sunod na kabiguan ng Gilas sa Jordan Team A matapos ang 72-84 pagkatalo sa elimination round.

Nagkasya lang sa siyam na puntos si Jordan Heading habang may tig-walong markers sina Thirdy Ravena at Dave Ildefonso para sa Gilas na nahulog sa bronze medal match.

Sinasagupa pa ng Gilas ang Tunisia sa battle-for-third as of press time. Nauna nang tinalo ng Gilas ang Tunisia, 74-73, sa elims.

Magtatagisan naman sa kampeonato ang Jordan Team A at Egypt na ginapi ang Tunisia sa kanilang semis match, 80-71.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with