_pang-masa
^

PM Sports

Petecio sigurado na sa silver medal

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio sigurado na sa silver medal

Pasok sa gold medal match

TOKYO — Lumapit si Nesthy Petecio sa ikalawang Olympic gold ng Pilipinas at may pag-asa rin kay Carlo Paalam matapos ang kanilang tagumpay sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng boxing competition sa Tokyo OLympics.

Dinaig ni Petecio ang mas matangkad na si Irma Testa ng Italy via split decision sa semifinals para makatiyak ng silver medal papasok sa finals ng women’s featherweight division.

“Sobrang saya ko po,” wika ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte. “Hindi lang po para sa akin ito, para po ito sa bayan.”

Naisuko ni Petecio ang first round bago niresbakan si Testa sa sumunod na dalawang rounds para sa kanyang come-from-behind victory.

Lalabanan ni Petecio para sa gold medal sa Martes ang mananaig sa semis bout nina Karriss Artingstall ng Great Britain at Japanese Sena Irie.

Umiskor naman si Paalam ng unanimous decision win laban kay Mohamed Flissi ng Algeria para umabante sa quarterfinals katapat si Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.

Nakatakda namang harapin ni middleweight Eumir Felix Marcial ngayong alas-11:36 tanghali (Manila time) si Armenian Arman Darchinyan sa quarterfinals.

Kung mananaig si Marcial ay makakatiyak siya ng bronze medal papunta sa semis.

Sa golf, tuluyan nang nasibak sa kontensyon si Juvic Pagunsan nang pumalo ng mababang five-over 76 at isang 54-hole total na two-over 215 para pumuwesto sa ika-56 matapos ang tatlong rounds.

 

Related video:

NESTHY PETECIO OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with