_pang-masa
^

PM Sports

Hindi pera ang dahilan ni Hidilyn Diaz

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang aabot sa P50 milyon ang matatanggap na cash incentives ni weightlifter Hidilyn Diaz matapos kunin ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games ngunit hindi niya ito masyadong iniisip.

“Hindi ko alam. Mas gusto kong kausapin iyong mga kaibigan ko. To stay connected with my friends, iyong mga Filipino athletes, to inspire them,” sabi ni Diaz sa panayam sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour. “Hindi ko alam kung ilan na (incentives) but I’m happy na maraming nagbigay, nag-pledge, maraming nag-promise. So Thankful ako doon.”

Tatanggap ang 30-anyos na tubong Zamboanga City ng P15 milyon mula sa PSC base sa Republic Act 10699 o ang Expanded Incentives Act at may P10 milyon siya kay Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

Noong Biyernes ay ipinasok na ng MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan sa bank account ni Diaz ang pangakong P10 milyon. Bibigyan rin siya ng P5 milyon ni Davao businessman Dennis Uy, tig-P3 milyon kina Pangulong Rodrigo Duterte at Deputy Speaker Mikee Romero at P2.5 mil-yon sa Zamboanga City.

Isang house and lot sa Tagaytay City ang regalo ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino para kay Diaz at isang condominium unit sa Eastwood City na nagkakahalaga ng P14 milyon mula sa property firm na Megaworld.

“Ang sa akin kasi ginagawa ko ‘to because I really love weightlifting and same with people behind me. Mahal ko ang Pilipinas, it’s our goal for the country,” ani Diaz.

Kasalukuyang tinatapos ni Diaz, nagbalik sa bansa noong Miyerkules mula sa Tokyo, ang mandatory seven-day quarantine sa Sofitel Hotel bago makauwi sa Zamboanga City.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with