Gilas tangka ang finals
MANILA, Philippines — Tangka ng Gilas Pilipinas na makabawi sa Jordan Team A sa knockout semifinals para makaaabante sa finale ng 2021 King Abdullah Cup sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan sa kanilang sagupaan sa alas-12 a.am (Manila Time) at ang makakalusot ay tutungo sa one-game championship kontra sa mananalo sa pagitan ng No. 1 Egypt (3-1) at No.4 Tunisia (2-2).
Natalo kamakalawa ang Gilas sa pumangalawang Jordan (3-1) sa huling laban ng elimination round, 84-72, upang mahulog sa tersera hawak ang 2-2 baraha.
Kakailanganin ng Nationals na bumalik ang angas nina naturalized player Ange Kouame, Dwight Ramos at Thirdy Ravena matapos ang tahimk na performance sa unang duwelo kontra sa host team.
- Latest