_pang-masa
^

PM Sports

Bolts 2-sunod na panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuryente ng Meralco ang Alaska, 89-80, para sa ikalawang sunod na tagumpay nito sa 2021 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Apat na Bolts ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 16 puntos ni Nard John Pinto para sa kanilang mainit na 4-1 kartada sa kalagitnaan ng elimination round.

May 14 markers at 11 boards din si Chris Newsome habang may 13 markers ang rookie na si Alvin Pasaol para sa Bolts na napatibay ang kapit sa tersera puwesto sa likod ng unbeaten na Magnolia (4-0) at TNT Tropang Giga (2-0).

Sumakay sa 41-31 halftime ratsada ang Meralco at lumamang pa ng hanggang 16 puntos bago pigilan ang tangkang comeback ng Aces.

Umariba sa 20 puntos si Gab Banal ngunit kapos pa rin para sa Alaska na nahulog sa 2-3 rekord.

Samantala, nakansela ang unang laban kahapon sa pagitan ng Phoenix at Blackwater bunsod ng COVID-19 health and safety protocols ng PBA.

Naurong din ang bakbakan ng Ginebra at San Miguel kaya dalawang game na lang ang iskedyul ngayon imbes na triple-header.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with