_pang-masa
^

PM Sports

PetroGazz makikisosyo sa No. 2

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng PetroGazz na makisosyo sa No. 2 spot sa pagharap sa mapanganib na Chery Tiggo sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference ngayon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Magtutuos ang Gazz Angels at Crossovers sa ala-una ng hapon na susundan ng duwelo ng BaliPure at Sta. Lucia sa alas-4 at ang bakbakan ng Perlas Spikers at PLDT Home Fibr ay sa alas-7 ng gabi.

Solo ng PetroGazz ang No. 3 spot tangan ang 4-1 baraha kabuntot ang Chery Tiggo na may 4-2 marka habang nangunguna ang Choco Mucho na may malinis na 5-0 kasunod ang reigning champion Creamline na may 5-1 baraha.

Galing sa 25-17, 25-18, 25-17 panalo ang Gazz Angels kontra sa Perlas Spikers noong Biyernes kung saan nangibabaw si Grethcel Soltones na humataw ng 17 hits.

Subalit haharap ang PetroGazz sa Chery Tiggo na nasa cloud nine pa matapos dungisan ang rekord ng Creamline, 25-18, 25-23, 23-25, 25-20, noon ding Biyernes ng gabi.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with