_pang-masa
^

PM Sports

Petecio sisiguro ng silver medal

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio sisiguro ng silver medal
Nesthy Petecio.

TOKYOIsang pa-nalo na lang para sa silver medal at dalawang panalo para sa gold ang layo ni Pinay fighter Nesthy Petecio na nakatakdang harapin  ngayon si dating AIBA world junior champion Irma Testa ng Italy sa semifinals ng women’s featherweight division sa Olympic Games boxing competitions sa Kokugigan Arena.

Nasa main bout ang upakan nina Petecio at Testa sa first session na magsisimula sa alas-11 ng umaga (alas-10 ng umaga sa Manila) kung saan ang mananalo ay makakatiyak ng silver medal papasok sa finals.

“We have a game plan for the next fight. The Italian girl is similar to the Taipei girl but she hooks and sways back. So we’re gonna take a counter act move,” sabi ni coach Don Abnett.

Sakaling manalo si Petecio kay Testa ay matutumbasan niya ang silver medal nina Anthony Villanueva at Onyok Velasco noong 1964 Tokyo at 1996 Atlanta Olympics, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, makiki-pagtuos si flyweight Carlo Paalam kay Mohamed Flissi ng Algeria sa round-of-16 sa alas-11:48 ng tanghali.

“Carlo was a good counter puncher when we held the bubble training. He’s dominating in counter punching on the right, and counter attacking,” ani Abnett.

Si flyweight Irish Magno ang unang mi-yembro ng Phl boxing team na napatalsik, habang umabante naman si middleweight Eumir Felix Marcial sa quarterfinals.

Samantala, tumapos si Cris Nievarez na pang-23 sa kabuuang 32 rowers na sumagwan sa men’s single sculls sa pagtiklop ng rowing competition sa Sea Forest Waterway.

Pumuwesto ang 21-anyos na Pinoy rower sa pang-lima sa Finals D ng classification phase sa kanyang isinumiteng pitong minuto at 21.28 segundo sa labanan para sa ika-19 hanggang ika-24.

Sa men’s golf, matapos ang magandang panimula ay nahulog si Juvic Pagunsan sa 25th hanggang 32nd places sa second round kahapon sa Kasumigaseki Country Club sa Saitama, Japan.

 

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with