_pang-masa
^

PM Sports

Hidilyn handa nang pakasal pero...

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ready na si Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na magpakasal, ngunit hindi ang magkaanak sa ngayon dahil nais pa niyang lumaban.

Sa panayam ng 24 Oras kamakalawa ng gabi ay sinabi ni Diaz na gusto pa rin niyang ituloy ang pagsusuot ng uniporme ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games at Asian Championships sa susunod na taon at kung maaari ay sa 2024 Olympics sa Paris, France.

“Siyempre, gusto ko ring magpakasal pero naghihintay lang ako ‘di ba,” tila pagpaparinig ng 30-anyos na si Diaz sa inaasahan niyang wedding proposal ng kanyang boyfriend na si strength and conditioning coach Julius Naranjo.

Nagsimulang maging coach ni Diaz si Naranjo, dating weightlifter na kumakatawan para sa Guam, noong 2018 matapos magkakilala sa isang torneo sa Turkmenistan noong 2017. Mula noon ay hindi na nagkahiwalay sina Diaz at Naranjo.

“Siyempre, gusto ko ring magkaanak at pamilya. Pero sa ngayon nakikita ko kasi na malakas pa ako, sayang iyong momentum, sayang iyong lakas. Kaya habang meron pa akong lakas, kasi ganoon iyong mga atleta eh, habang may lakas ka gawin mo, ‘pag wala na ok you have to retire and do other things,” ani Diaz.

Kasalukuyang nasa mandatory quarantine si Diaz sa Sofitel Hotel kagaya ni Naranjo at inaasahang makakauwi sa kanyang mga magulang sa Zamboanga City sa Martes.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with