_pang-masa
^

PM Sports

Gilas swak na sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak na ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng 2021 King Abdullah Cup matapos ang dikit na 74-73 panalo sa overtime kontra sa Tunisia sa Prince Hamza Hall sa Jordan kamakalawa ng gabi.

Nagbuslo ng game-winning freethrow si Thirdy Ravena habang natapal ni naturalized player Ange Kouame ang huling bira ng Tunisia upang masiguro ang dikit na panalo.

Umangat sa 2-1 baraha ang Nationals at nakaselyo ng puwesto sa Final Four kasama ang Egypt (3-0), Jordan (2-1) at Tunisia (1-2).

Trumangko sa Gilas si Kouame sa nahakot na 12 puntos at limang supalpal habang may 7 points si Ravena. Nagambag din ng 11 puntos si Dwight Ramos.

Huling assignment ng Gilas as of presstime ang Jordan Team A na sinilat ng Egypt, 67-79.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with