_pang-masa
^

PM Sports

Obiena sasabak na

Pang-masa

TOKYO — Saasabak na si Pinoy bet EJ Obiena sa qualifying ng men’s pole vault competitions ng Tokyo Olympics ngayon sa Japan National Stadium.

Target ni Obiena na malundag ang 5.80 metro para sa outright finals entry sa Martes o kaya ay mapasama sa Top 12 papasok sa medal play sa pagkakataong hamunin si Swedish superstar Armand Duplantis na hawak ang world record na 6.18m.

‘Di na sumali ang two-time world champion na si American Sam Kendricks nang magpositibo sa COVID-19 noong Huwebes.

“Medyo nakakatakot, kasi nangyari sa kanya (Kendricks), so puwedeng mangyari kahit kanino. So we have to be careful,” sabi ni Emerson Obiena, ang tatay at coach ni EJ.

Nag-iingat ang Obiena team na mahawahan ng COVID-19 kaya pinili nilang huwag pumasok sa Athletes Village at tumuloy sa Conrad Tokyo.

Kaagad ipinasok si Kendricks, ang bronze medal winner noong 2016 Rio de Janeiro Games at world champion noong 2017 at 2019, sa isolation.

Sa pagkawala ni Kendricks ay makakasukatan ni Obiena sina Duplantis, Rio Games winner Thiago Braz ng Brazil, World No. 3 Piotr Lisek ng Poland, No. 4 Renauld Lavillenie ng France at Nilsen Christopher ng US.

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with