^

PM Sports

Choco Mucho malinis pa rin sa 5-0

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng Choco Mucho na makaariba nang husto ang BaliPure nang itarak nito ang 25-23, 23-25, 25-15, 25-21 panalo upang manatiling malinis ang kanilang marka sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Halimaw si Kat Tolentino na nagpasabog ng 25 puntos mula sa 23 attacks at dalawang aces upang banderahan ang Flying Titans sa pagmartsa sa 5-0 marka.

Nag-ambag naman si middle blocker Bea De Leon ng 10 hits habang kumana sina Ponggay Gaston at Maddie Madayag ng pinagsamang 17 markers.

Solido ang depensa ni Denden La-zaro-Revilla na umiskor ng impresibong 31 digs at 10 receptions.

Nagawang makahirit ng Water Defenders sa second set sa likod ng matikas na laro ni Graze Bombita. Subalit hindi na nakaporma pa ang BaliPure sa hu-ling dalawang sets nang pamunuan ni Tolentino ang mainit na ratsada ng Flying Titans at tuluyang iselyo ang panalo.

Nahulog sa 2-3 marka ang Water Defenders.

Bahagyang naantala ang laro nang mawalan ng ilaw ang venue subalit agad naman itong nagbalik para matapos ang laro ng Choco Mucho at BaliPure.

Walang laro ngayong para sa lingguhang swab testing sa lahat.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with