_pang-masa
^

PM Sports

Kabi-kabilang papuri at pasasalamat kay Hidilyn

Russell Cadayona - Pang-masa
Kabi-kabilang papuri at pasasalamat kay Hidilyn
Hidilyn Diaz.

MANILA, Philippines — Kabi-kabilang parangal, pagpupugay, regalo at karagdagang insentibo ang natatanggap ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz sa kanyang pagbabalik sa bansa kamakalawa ng gabi mula sa Tokyo, Japan.

Sa kanyang pagkopo sa Olympic gold ay dumagsa ang pagbati, pasasalamat at papuri ng milyung-mil-yong Pinoy at may kanya-kanya ring tribute ang iba’t ibang brand/kumpanya sa pag-angkin niya sa kauna-unahang Olympic gold ng Pilipinas.

Kabi-kabilang resolusyon rin ang ipinasa sa Senado at Kongreso para bigyang pugay si Diaz na inaasahang muling mapaparangalang Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Inaasahang lolobo sa P50 milyon ang matatanggap na premyo ni Diaz, isa nang staff sergeant sa Air Force matapos siyang i-promote ng Armed Forces of the Philippine (AFP).

“Sa totoo lang ayaw ko pag-usapan. Actually hindi ako nag-e-expect,” ani Diaz sa panayam kahapon ng “Magandang Buhay” via Zoom. “At the end of the day bumalik ako kung bakit ko ito ginagawa dahil mahal ko ang weightlifting, mahal ko ang Pilipinas at dahil ito ang talent na ibinigay ni God sa akin.”

Bukod sa ibibigay na P3 milyon at isang fully furnished house and lot sa Zamboanga City ay gagawaran din ni Pangulong Duterte si Diaz ng prestihiyosong Presidential Medal of Merit.

Gagawaran din si Diaz ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ng Gold Medal of Valor.

Bukod sa P10 milyon na matatanggap ni Diaz mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Republic Act 10699 o ang Expanded Incentives Act ay may dagdag itong P5 milyon sa pagtatala ng Olympic record.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with