_pang-masa
^

PM Sports

Kalaban ni Obiena nagka-COVID-19

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabawasan ang kalaban ni pole vaulter Ernest John Obiena para sa posibleng ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas.

Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na awtomatikong nagtanggal sa kanila sa torneo.

“We are saddened to confirm that Sam Kendricks tested positive for Covid-19 and will not compete in the Olympic Games Tokyo 2020,” wika ng USOPC sa isang statement sa Twitter.

Isa si Kendricks, ang World No. 2 pole vaulter at kumuha ng gold medal sa nakaraang dalawang World Championships, sa mga karibal ni Obiena sa gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Bukod kay Kendricks, ang dalawa pang mahigpit na kalaban ni Obiena ay sina Swedish world record holder Armand Duplantis at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with