_pang-masa
^

PM Sports

Perlas Spikers nakatikim ng panalo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na nakaba-ngon ang Perlas Spikers sa maasim na simula nang kanilang itakas ang 20-25, 25-20, 25-22, 25-21 panalo sa Cignal HD para sumampa sa win column ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Matapos ang dalawang dikit na kabiguan, natagpuan na ng Perlas Spikers ang tamang porma upang dalhin ang kanilang tropa sa 1-2 marka

“Sobrang laki kasi yung opportunity, nabigyan namin ng hustisya. Tapos ang isa pa na-ming kailangan kasi ‘yung kumpiyansa, so ‘yung pa-nalo malaking kumpiyansa ang mabibigay indivi-dually,” ani Perlas Spikers head coach Rei Diaz.

Solido ang galaw ng lahat ng players kung saan nagtala ng pare-parehong 13 puntos sina Nicole Tiamzon, Cherry Rose Nunag at Heather Guino-o.

Naglista naman si Sue Roces ng 11 hits habang ma 24 excellent sets at siyam na puntos si playmaker Angel Cayuna para sa Perlas Spikers.

PERLAS SPIKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with