^

PM Sports

Andito na si Hidilyn

Russell Cadayona - Pang-masa
Andito na si Hidilyn
Hidilyn Diaz.

MANILA, Philippines — Walang magarbong hero’s welcome at mga nagkakagulong mga fans para salubungin ang kauna-unahang Olympic Games gold medalist ng Pilipinas kahapon sa Ninoy Aquino International Airport.

Tahimik na dumating si weightlifter Hidilyn Diaz sakay ng Philippine Airlines Flight 427 matapos ang wakasan ang 97 taong pagkauhaw ng Pinas sa Olympic gold.

Kasamang umuwi ni Diaz ang jowa at strength and conditioning coach na si Julius Naranjo kasabay si skateboarder Margielyn Didal na tumapos sa pang-pito sa finals ng women’s street skate event. Sinalubong sila nina Philippine Sports Commissioners Celia Kiram at Charles Maxey.

Imbes na umuwi sa kanyang mga magulang sa Zamboanga City matapos ang higit sa isang taon na training sa Malaysia bilang preparasyon sa Tokyo Olympics ay dumiretso si Diaz sa isang mandatory seven-day quarantine sa Sofitel Hotel.

Ito ay alinsunod sa health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagharap sa coronavirus disease (COVID-19) na nagkait sa anumang malaking selebrasyon para sa 30-anyos na weightlifter.

Ayon kay Diaz, matapos ang kanyang quarantine ay muli siyang babalik sa gym para mag-ensayo at paghandaan ang Southeast Asian Games sa Vietnam sa 2022.

Inaasahan namang walang babayarang buwis si Diaz sa kanyang mga matatanggap na cash incentives, house and lot at isang condominium unit.

Nagbigay din si Pangulong Duterte ng bonus na P3 milyon kay Diaz bukod pa sa house and lot sa Zamboanga City.

Nakasaad sa Tax Code na ang anumang premyong ibibigay sa nanalo sa Olympics o iba pang international amateur competitions ay may tax exemption.

Ang mga magmumula naman sa private sector ay may babayarang 6 percent na donor’s tax. Ngunit ang naturang buwis ay sasagutin ng donor at hindi ng nanalo.

Puwedeng lumobo sa P50 milyon ang makukuhang insentibo ni Diaz kung saan ang P10 milyon ay mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Republic Act 10699 o ang Expanded Incentives Act para sa Olympic gold at tig-P10 milyon kina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

 

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with