^

PM Sports

Gilas tinambakan ang Saudi Arabia

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia, 77-62, upang makabawi agad sa 2021 King Abdullah Cup kamakalawa ng gabi sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Bumida si Justine Baltazar sa naita-lang 16 puntos para sa Nationals na naipagpag ang 63-70 kabiguan kontra sa Egypt para umangat sa 1-1 kartada sa six-team pocket tournament.

Nagdagdag din ng tig-10 markers sina naturalized player Ange Kouame at Isaac Go habang may walo at pitong puntos na ambag sina Dave Ildefonso at Dwight Ramos, ayon sa pagkakasunod.

Naglista naman ng 18 puntos si Mohammed Alsuwailem para sa Saudi Arabia na nalaglag sa 0-2 baraha matapos ang 81-91 kabiguan sa Jordan Team A.

Kalaban ng Gilas ang Jordan Team B (0-1) as of presstime.

Talo ang Jordan B sa Egypt, 94-67, kamakalawa.

Bahagi ang King’s Cup ng mahabang paghahanda ng Gilas para sa FIBA Asia Cup na naurong sa susunod na taon mula sa orihinal na petsang Agosto 17-29 sa Indonesia.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with