^

PM Sports

Realtors nakaligtas sa Chery Tiggo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitakas ng Sta. Lucia Realtors ang pahirapang 25-20, 25-12, 24-26, 21-25, 15-10 desisyon sa Chery Tiggo Crossovers upang maikonekta ang ikalawang panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Ilang krusyal na errors ang nagawa ng Crossovers sa huling sandali ng laro habang dalawang solidong blocks ang naitala ng Lady Realtors para iselyo ang panalo.

“I don’t think bumababa (ang laro namin nung third at fourth sets). Pinush lang ng Chery Tiggo na makuha ang sets na iyon. Sa part na-min, pinilit naming ma-compress pero the game is a game,” ani Sta. Lucia head coach Eddison Orcullo.

Umangat ang Lady Realtors sa 3-3 baraha para lumakas ang tsansa nito sa semifinals habang bagsak naman sa 3-2 ang Crossovers.

Nanguna si Filipino-American opposite hitter MJ Philips na kumana ng 23 puntos kabilang ang limang blocks para tulungan ang Sta. Lucia na masundan ang kanilang 25-23, 25-20, 22-25, 25-18 panalo sa Black Mamba-Army noong Lunes.

“Sometimes may error, sometimes may pressure pero ‘yun ang napanghahawakan naman. Kailangan lang maintindihan ng mga bata to keep on fighting, keep on believing and enjoying the game,” dagdag ni Orcullo. 

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with