_pang-masa
^

PM Sports

Walang papantay kay Hidilyn Diaz

Nelson Beltran - Pang-masa
Walang papantay kay Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz.

TOKYO – Pumorma para sa malinis na clean position bago ang magandang jerk sa record na 127kg, nakumpleto ng weightlifting wonder lady na si Hidilyn Diaz ang pinakamataas na achievement ng sinumang Filipino Olympian at nasiguro niya ang kanyang espesyal na puwesto sa Philippine sports na walang makakaagaw sa kanya.

Walang makakapantay sa natatanging achievement na ito ni Diaz sa kasaysayan ng Philippine sports na titingalain, ‘di malilimutan at ipagdiriwang ng mara-ming henerasyong darating.

Pagkatapos ng pambihirang tagum-pay ni Diaz, wala pa siyang balak tumigil para patuloy na bigyan ng inspirasyon ang mga kabataang Pinoy. Nangako itong patuloy siyang lalaban para mabigyan pa ng karangalan ang Pinas sa edad 30, kahit pa napakarami nang biyaya ang naghihintay sa kanya matapos manalo ng kauna-unahang Olympic gold medal ng Pinas.

“Hindi pa ako mag-stop, kaya ko pa. May ibibigay pa ako sa Pilipinas,” sabi ni Diaz na uuwi na ng Pinas ngayon pero magku-quarantne pa pagdating. “With the help of the Philippine Olympic Committee and the Philippine Sports Commission, hindi ako susuko. I will continue to inspire the youth to dream and pursue that dream.”

Tinitingnan na ng 55kg. weightlifting champ ng Tokyo Games ang Southeast Asian Games sa Hanoi, ang Asian championships at ang posibilidad ng record-tying fifth Olympic stint sa Paris sa 2024.

Magarang hero’s welcome ang naghihintay kay Diaz pag-uwi nito matapos ang higit sa isang taon na training sa Malaysia.

Ngunit imbes na sa bahay ay didiretso ang tropa ni Diaz sa isang hotel quarantine sa loob ng pitong araw base sa health and safety protocols ng Inter Agency Task Force (IATF).

Dahil sa kanyang pagkopo sa Olympic gold ay inaasahang makakatanggap si Diaz ng higit sa P50 milyon na cash incentives bukod pa sa isang house and lot at P14M na condo unit..

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with