Painters asam ang liderato
MANILA, Philippines — Ang pagsolo sa lide-rato ang hangad ng Rain or Shine sa pagsagupa sa Alaska, habang target ng San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na ratsada.
Lalabanan ng Elasto Painters ang Aces nga-yong alas-3 ng hapon matapos ang bakbakan ng Beermen at Blackwater Bossing sa alas-12:30 ng tanghali sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sa huling laro sa alas-6 ng gabi ay magtutuos naman ang Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters.
Kasalukuyang magkasosyo ang Rain or Shine at Magnolia sa magkatulad nilang 3-0 record.
Nagmula ang Elasto Painters sa 85-72 paggupo sa Bolts at nalasap naman ng Aces ang ikalawang sunod na kabiguan sa mga kamay ng Fuel Masters, 93-101.
Sa unang laro, pupuntiryahin ng Beermen ang kanilang pangatlong dikit na pananalasa sa pagharap sa kulelat na Bossing.
Naitakas ng San Miguel ang 88-86 pana-lo laban sa NorthPort sa kanilang huling laro noong Linggo at natikman ng Blackwater ang ikatlo nilang sunod na kamalasan sa 81-96 pagyukod sa Ginebra.
- Latest