^

PM Sports

Choco Mucho sumosyo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Choco Mucho nang kubrahin nito ang mabilis na 26-24, 25-12, 25-17 desisyon laban sa Cignal HD upang makisosyo sa liderato sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Mataas pa rin ang laro ni opposite hitter Kat Tolentino na nagrehistro ng 16 puntos tampok ang 14 attacks para hatakin ang Flying Titans sa ikaapat na sunod na panalo.

Sumalo ang Choco Mucho sa unahan ng standings sa reigning champion Creamline na may katulad na 4-0 baraha.

“Slowly they’re enjoying it, Nagkaroon ng cohesiveness but they have to do it right all time, kailangan pang maging consistent. Habang tumatagal humihirap,” ani Choco Mucho head coach Oliver Almadro.

Nahulog ang HD Spikers sa 1-4 marka kung saan kailangan nitong maipanalo ang mga nalalabing laro nito upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa isa sa apat na semis slots.

Susubukang kumalas ng Creamline sa two-way tie sa No. 1 spot sa pagharap nito sa mapanganib na BaliPure sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

CIGNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with