^

PM Sports

Gilas ‘di umubra sa Egypt

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Semplang ang Gilas Pilipinas sa unang salang nito kontra sa Egypt, 70-63, sa 2021 King Abdullah Cup sa Prince Hamzah Sport Hall in Amman, Jordan kamakalawa ng gabi.

Maalat ang naging simula ng Nationals sa 24-33 at ‘di nakabangon tungo sa 0-1 kartada sa pocket tournament nakinatampukan din ng host na Jordan, Tunisia at Saudi Arabia.

Tanging sina naturalized player Ange Kouame at Isaac Go ang nakapagpasiklab para sa Nationals sa naitalang tig-13 puntos habang nagkasya lang sa walong markers ang nagbabalik-Gilas na si Thirdy Ravena.

Susubok ang Gilas na makabawi kontra sa Saudi Arabia (0-1) sa krusyal na labang ginaganap pa habang isinusulat ang balitang ito. Haharapin din ng Gilas ang Jordan teams A at B maging ang Tunisia sa mga susunod na araw.

Tinalo ng Jordan A ang Saudi, 91-81, sa isa pang opening game schedule kamakalawa.

Apat na teams lang mula sa 6-team tourney ang aabante sa knockout semifinals.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with