_pang-masa
^

PM Sports

Gold kay Diaz

Nelson Beltran - Pang-masa
Gold kay Diaz
Hidilyn Diaz.

Una para sa Pinas

TOKYO — Ibiigay na ni Hidilyn Diaz ang lahat ng kanyang makakaya para ibigay sa Pilipinas ang kauna-una-hang Olympic gold medal.

Binuhat ni Diaz ang Olympic Games record na 224 kilograms sa women’s 55-kilogram event para angkinin ang gintong medalya na tumapos sa pagkauhaw ng Pilipinas sapul nang lumahok sa quadrennial event noong 1924 sa Paris, France.

Hindi binigo ng 30-anyos na tubong Zamboanga City ang sambayanan na nagdasal para sa kanya na makuha ang inaasam na Olympic gold matapos iposte ang 127kg sa ikatlo at huli niyang buhat sa clean and jerk.

Nauna nang bumuhat si Chinese world record-holder Qiuyun Liao ng 126kg bago ito tinabunan ni Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist.

Sa sandaling maitala niya ang 127kg kasabay ng pagbitaw niya sa barbel ay bumuhos ang luha ni Diaz.

Tumataginting na P33 milyon ang inaasahang matatanggap na cash incentives ni Diaz mula sa Philippine Sports Commission, MVP Sports Foundation ni Manny V Pangilinan, San Miguel Corp. ni Ramon S. Ang at Rep. Mikee Romeo.

Matapos naman ang tatlong araw sa Tokyo Olympics boxing competitions ay wala pa ring nalalagas sa apat na boksingero ng Team Philippines na isa pang pagkukunan ng gold medal ng Pinas.

Tinakasan ni featherweight Nesthy Petecio si Taiwanese top seed Lin Yu-ting, 3-2, papasok sa quarterfinals sa umaatikabong bakbakan kahapon sa Kokugikan Arena.

Nang makakonekta ng ilang beses at natiyak na ang kanyang panalo ay pinili ng Pinay fighter na layuan ang Taiwanese pug sa huling mga segundo ng laban.

 Bago ang panalo ni Petecio ay umiskor muna si flyweight Carlo Paalam ng 4-1 tagumpay kay Brendan Irvine ng Ireland para umabante sa round-of-16.

Kamakalawa ay di-naig ni flyweight Irish Magno si Kenyan Christine Ongar papasok sa round-of-16.

Muling sasabak sa aksyon si Magno kasama si middleweight Eumir Felix Marcial, nakakuha ng bye sa first-round eli-minations, sa Huwebes at kapwa hangad ang silya sa semifinals.

Samantala, pumuwesto lamang si Pinay skater Margielyn Didal sa pang-pito sa finals ng women’s street skateboarding sa kanyang iskor na 7.52  kahapon sa Ariake Park.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with