_pang-masa
^

PM Sports

Chery Tiggo balik sa porma

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Chery Tiggo ang ngitngit nito sa Perlas Spikers nang itarak nito ang 25-10, 27-25, 25-23 panalo upang ma-kabalik sa porma sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Tila natuto na sa kanilang huling laro, mas naging matatag ang Crossovers sa huling sandali ng laro para makuha ang ikatlong panalo sa apat na laro.

Muling naasahan ng Chery Tiggo si middle blocker Jaja Santiago na nagpakawala ng 15 puntos kabilang ang tatlong blocks habang nagparamdam sa pagkakataong ito si Shaya Adorador na may all-around game na anim na attacks, apat na aces at dalawang blocks para sa Crossovers.

Nagtala naman sina Dindin Santiago-Ma-nabat at Arriane Layug ng pinagsamang 15 hits para sa Chery Tiggo.

Galing ang Crossovers sa masaklap na 25-19, 29-25, 25-13, 25-27, 12-15 kabiguan sa BaliPure noong Huwebes para madungisan ang rekord nito.

“Ang dami pa rin talaga naming aayusin kasi doon kami nag-relax, learning experience namin from our previous match but that’s done already so we just have to take it as a learning experience,” ani Chery Tiggo head coach Aaron Velez. (C.Co)

Lamang na lamang ang Crossover sa lahat ng scoring department laban sa Perlas Spikers — sa spiking (38-29), blocking (9-2) at serves (9-6).

Nangangapa pa ang Perlas Spikers na wala pang panalo sa dalawang laro.

Sumailalim ang Perlas Spikers sa isang linggong quarantine matapos magpositibo ang isang miyembro ng staff nito bago magsimula ang torneo.

CHERY TIGGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with