_pang-masa
^

PM Sports

‘Di dapat sisihin si Yulo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi dapat sisihin ng mga netizens si Pinoy gymnast Carlos Edriel Yulo sa kabiguan niyang makapasok sa finals ng paboritong floor exercise event sa Tokyo Olympics.

Inako ni Japanese coach Munehiro Kugiyama ang responsabilidad sa nasabing kamalasan ni Yulo, nagwagi ng gold medal sa nasabing event noong 2019 World Championships sa Germany.

“If you want to blame, please say to his coach. If you want to say waste, please say to his coach. He is the person who have responsibility. What he did. Athlete is always trying best,” wika ni Kugiyama sa kanyang Facebook post nang hindi napasama ang 21-anyos na si Yulo, nasa kanyang unang Olympic stint, sa top eight gymnasts para sa finals ng floor exercise.

“If it happen mistake, because of his coach. I’m the one his coach,” dagdag pa ng Japanese mentor na tumulong sa tubong Malate, Manila sa pagkopo sa dalawang gold medal sa floor exercise at individual all-around at limang silvers sa pommel horse, still rings, vault, parallel bars at horizontal bar noong 2019 Philippine SEA Games.

Inaasahang gagawin lahat ni Yulo sa finals ng vault na nakatakda sa Agosto 2. 

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with