_pang-masa
^

PM Sports

Team USA talo sa France

Pang-masa

SAITAMA, Japan — Humataw si Evan Fournier ng 28 points para igiya ang France sa 83-76 paggulat sa Team USA sa Tokyo Olympics men’s basketball tournament kahapon.

Nagdagdag si Rudy Gobert ng 14 points at may 13 markers si Nando de Colo.

Pinamunuan ni Jrue Holiday, dumating sa Tokyo sa bispearas ng Olympic basketball opener matapos ang pagkopo ng Milwaukee Bucks sa NBA crown, ang Team USA sa kanyang 18 points mula sa bench.

“Sometimes you make shots and sometimes you don’t,” ani US coach Gregg Popovich. “It’s not a question of what aspect of the game that you win or lose. It’s accumulation of everything that went on during the game.”

Tumipa si Bam Adebayo ng 12 markers kasunod ang 11 points ni Damian Lillard para sa mga Americans, habang may 10 points si Kevin Durant buhat sa malamyang 4-of-12 fieldgoal shooting.

Bumangon ang France mula sa 10-point deficit para agawin ang 76-74 abante mula sa triple ni Fournier sa huling 57 segundo ng laro kasunod ang dalawang free throws ni Nicolas Batum para sa final score.

Sunod na kalaban ng USA ang Iran at sasagupain ng France ang Czech Republic.

 

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with