_pang-masa
^

PM Sports

Romeo kasama na sa San Miguel Beer practice

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang eksaktong petsa kung kailan makakabalik si Terrence Romeo mula sa minor knee injury subalit magandang balita na nakasama agad siya sa ensayo ng San Miguel kahit sa limitadong kapasidad pa lamang para sa idinaraos na 2021 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Beermen head coach Leo Austria, balik na sa shooting drills si Romeo kaya tiwala silang makakalaro na ito sa lalong madaling panahon.

“Wala pang timeline but in the near future, soon he’ll be back with us. He was with us in the practices and he did some shooting,” ani Austria matapos ang 88-86 panalo nila kontra sa Northport.

Nadale si Romeo ng knee injury sa unang laban ng SMB kontra Meralco at inakala ng marami na malalang MCL injury ito ngunit mabuti na lang at hyperextension lang ang official diagnosis.

Sasailalim lang si Romeo sa strengthening at inaasahang sasali na sa full practice at inaasahang matutulungan na niya ang Beermen na ngayon ay may  2-1 bahara kahit wala pa ang ace guard.

Samantala, susulitin na lang muna ng NLEX ang nalalabing panahon na kasama si Kiefer Ravena na naka-set nang umalis para lumaro sa Shiga Lakestars  sa Japan B.League.

“I think we just have to savor and enjoy Kiefer’s presence while he’s here, and then tsaka na namin iiisipin kung ano ang puwedeng gawin,” ani coach Yeng Guiao.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with