_pang-masa
^

PM Sports

Ateneo may bagong 2-recruits

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang Filipino-American players ang hinugot ng Ateneo de Manila University upang magpalakas para sa UAAP men’s basketball tournament.

Nakuha ng Blue Eagles si 6-foot-7 bigman Kai Ballungay na nagpasyang mag-transfer sa Katipunan-based squad mula sa Stanislaus State sa US.

Nakapaglaro na sa Pilipinas si Ballungay na nasilayan sa aksiyon noong 2019 NBTC Finals kasama ang Fil-Am Sports squad.

Mangangailangan pa si Ballungay ng residency bago makapaglaro suot ang Blue Eagles jersey sa Season 85 ng liga.

Sa US NCAA Division II school na Stanislaus State nagsumite si Ballungay ng averages na 2.5 points at 1.9 rebounds sa kanyang freshman year.

Nakuha rin ng Ateneo si Andrew Bongo na ipina-nganak at lumaki sa Covina, California.

Magtatapos ng secondary education si Bongo sa Charter Oak High School kaya’t agad itong makalalaro sa Season 84 bilang rookie.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with