_pang-masa
^

PM Sports

Pacquiao binisita ni Clarkson at Apl de Ap

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao binisita ni Clarkson at Apl de Ap
Manny Pacquiao, Jordan Clarkson at Apl de Ap.

MANILA, Philippines — Bumisita sina NBA star Filipino-American Jordan Clarkson ng Utah Jazz at singer Apl de Ap sa training camp ni People’s Champ Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Patuloy ang pagdating ng mga kilalang personalidad sa Wild Card gym para personal na masaksihan ang ginagawang ensayo ng Pinoy champion.

Inilabas ni Pacquiao ang larawan kasama sina Clarkson at Apl de Ap na may caption na “Filipino pride!” sa kanyang post sa social media.

Ni-retweet naman ni Clarkson ang naturang post ni Pacquiao sa kanyang Twitter account na may sariling caption na “The goat (greatest of all time), legendary!!!”

Ilan lamang sina Clarkson at Apl de Ap sa mga bumisita sa pagsasanay ni Pacquiao.

May ilang Hollywood stars na rin na naunang dumating gayundin ang ilang boxing legends na nais masaksihan ang pagsasanay ni Pacquiao.

Nasa mainit na paghahanda si Pacquiao para sa laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sapul nang dumating ito sa Amerika, pukpukan ang ensayo ni Pacquiao kasama sina Hall of Famer Freddie Roach at chief trainer Buboy Fernandez sa Wild Card.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with