_pang-masa
^

PM Sports

Ika-2 panalo ng SMBeer

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos lusutan ang NorthPort, 88-86, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ipinasok ni Arwind Santos ang kanyang game winning jumper sa huling 1.2 segundo ng fourth quarter para itaas ang baraha ng Beermen sa 2-1.

“Thank you nanalo kami at sana dire-diretso na ang panalo namin,” wika ng 40-anyos na si Santos na tumapos na may 17 points, 5 rebounds at 3 blocks. “Sana ma-maintain namin ito dahil hindi namin kailangang maging over confident.”

Umiskor si CJ Perez ng 18 points at nagdagdag sina Alex Cabagnot, Mo Tautuaa at June Mar Fajardo ng 16, 11 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Humakot naman si Greg Slaughter ng 23 points at 17 boards sa panig ng Batang Pier at naglista si Robert Bolick ng 19 markers, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals.

Ito ang unang pag-lalaro ng seven-footer na si Slaughter matapos ibigay ng Barangay Ginebra sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger.

NORTHPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with