_pang-masa
^

PM Sports

Gilas vs Egypt ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naurong man ang FIBA Asia Cup sa susunod na taon ay tuloy pa rin ang pagpapakundisyon ng Gilas Pilipinas sa pagsalang sa King Abdullah Cup sa Jordan simula ngayon hanggang Agosto 3.

Unang makakasagupa ng Nationals sa bigating pocket tournament ang Egypt ngayong alas-9 ng gabi (Manila time) bago harapin ang Saudi Arabia, Team B ng Jordan, Tunisia at Team A ng Jordan sa mga susunod na araw.

Bibida sa Gilas ang mga nagbabalik-national team na sina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Dave Ildefonso at Rey Suerte gayundin ang mga sumabak sa FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa pangunguna ni naturalized player Ange Kouame.

Swak din sa 15-man lineup ng Nationals sina Dwight Ramos, Justine Baltazar, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, Will Navarro, Jordan Heading, Geo Chiu, Mike Nieto at Isaac Go habang ‘di muna makakasama si Kai Sotto bunsod ng commitment sa Adelaide 36ers sa Australia NBL.

Bahagi sana ng final build-up ng Gilas ang King’s Cup sa Jordan para sa FIBA Asia Cup na kamakalawa lang ay inurong sa 2022 mula sa original schedule na Agosto 17-29 sa Indonesia.

EGYPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with