_pang-masa
^

PM Sports

Unang panalo ni Petecio

Nelson Beltran - Pang-masa
Unang panalo ni Petecio
Nesthy Petecio.

TOKYO — Nagpa-kawala si Pinay boxer Nesthy Petecio ng mga power shots sa huling dalawang rounds para sa dominanteng 5-0 panalo kay Marcelat Matshu Sakobi ng Congo sa women’s featherweight class ng Olympic boxing competitions kahapon sa Kokugikan Arena.

Kinailangan ni Petecio na ipagpag ang kalawang sa kanyang mga kamao para talunin si Matshu matapos ma-ngapa sa first round.

Ang panalo ni Petecio, nagreyna noong 2019 World Championships sa Russia, ang nagpasok sa kanya sa round-of-16 kung saan makakatapat niya si top-seeded Yu Ting ng Taipei bukas.

Ang 25-anyos na si Lin ay ang women’s bantamweight champion noong 2018 World Championships sa New Delhi, India bago umakyat sa featherweight division sa sumunod na taon.

Kumpiyansa ang 29-anyos na si Petecio na tatalunin niya si Lin na kumuha ng bronze medal noong 2019 World Championships.

Samantala, lalabanan ngayon ni No. 25 Irish Magno si No. 17 Christine Ongare ng Kenya sa preliminary round ng women’s flyweight class.

Makakatapat naman ni No. 25 Carlo Paalam si No. 32 Brendan Irvine ng Ireland sa preliminaries ng flyweight division bukas.

Sa taekwondo, tuluyan nang nawala ang tsansa ni Kurt Barbosa na makalaro sa repechage matapos matalo si world champion at top seed Jun Jang ng South Korea kay Mohamed Khalil Jendoubi ng Tunisia, 19-25, sa kanilang men’s -58kg semifinals duel.

Kung nakapasok ang five-time Grand Prix gold medalist na si Jang sa gold medal round ay makakalaro si Barbosa sa repechage para sa pag-asang makakuha ng bronze medal.

 Nauna nang dinomina ni Jang si Barbosa,26-6, sa round-of-16.

Sa shooting, nakatakdang sumabak ngayon si Jayson Valdez sa qualifications ng men’s 10-meter air rifle event.

Matapos makapasok sa quarterfinals ay target naman ni rower Cris Nievarez na makasama sa A-B semifinals ng men’s single sculls sa Sea Forest Waterway.

Namroblema naman si pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang pole na gagamitin bago umalis ng Italy papuntang Japan ngunit naayos ang lahat at nakarating siya sa Japan.

Si Chinese shooter Yang Qian ang unang gold medalist ng Tokyo Olympics matapos ang kanyang last-shot victory laban kay Anastasiia Galashina ng Russia sa women’s 10m air rifle final.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with