Rain Or Shine solo lider na
MANILA, Philippines — Dumiretso ang Rain or Shine sa kanilang ikatlong sunod na pa-nalo matapos igupo ang Meralco, 85-72, para solohin ang liderato ng 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tumipa si Javee Mocon ng 18 points, 6 rebounds at 6 assists para banderahan ang Elasto Painters ni coach Chris Gavina.
“Everybody’s into it (sistema). Iyon siguro ang sikreto. Ginugusto namin every game day na dumepensa kami,” sabi ni 6-foot-6 Beau Belga na nagposte ng 17-points at 10 rebounds.
Nag-ambag sina Rey Nambatac at Nelbert Torres ng tig-11 markers.
Inilista ng Rain or Shine ang 61-46 kalamangan galing sa magkasunod na three-point shot ni rookie guard Andrei Caracut sa 3:55 minuto ng third period matapos isara ang first half bitbit ang 42-35 abante.
Lumamang ang Painters sa82-61, sa huling 4:21 minuto ng laro.
- Latest