_pang-masa
^

PM Sports

Nievarez pasok sa quarterfinals

Pang-masa
Nievarez pasok sa quarterfinals

TOKYO — Umabante si Pinoy rower Cris Nievarez sa quarterfinals ng men’s single sculls para sa magandang panimula ng kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics.

Pumangalo sa Heat 5 ang 21-anyos na si Nievarez sa kanyang bilis na 7:22.57 sa likod nina 2016 Rio Olympics silver medalists Damir Martin (7:09.17) ng Croatia at Alexander Vyazovkin (7:14.95) ng Russian Olympic Committee sa Sea Forest Waterway. Ang top three rowers sa bawat heat ang pasok sa quarterfinals na nakatakda sa Lunes.

Idineklara naman ni Nesthy Petecio na handang-handa na siya sa kanyang sa pagharap kay  Marcelat Sakobi ng Congo sa prelimina-ries ng women’s 54-57kg category sa alas-11 ng umaga.

“Sobrang ready,” kalmadong sagot ni Petecio sa tanong ng isang miyembro ng Philippine media ukol sa pagtarget niya sa Olympic gold.

Susunod na Pinoy na sasalang ay si taekwondo jin Kurt Barbosa sa round-of-16 ng  Men’s  -58 kg sa Makuhari Messe Hall A at hindi siya natatakot sa kalabang si two-time world champ and five-time Grand Prix winner Jang Jun ng South Korea.

Sisimulan na rin ni gymnasts Carlos Edriel Yulo ang kanyang kampanya sa qualifying round ng men’s artistic gymnastics sa Ariake Gymnastics Center kung saan inaaasahan itong manalo sa floor exercise kung saan makakasabayan nito si three-event world titlist Nikita Nagornyy ng Russia.

Sasalang din si swimmer Remedy Rule sa women’s 100m butterfly - heat 2 sa Tokyo Aquatics Centre ngayong gabi.

CRIS NIEVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with