Duterte may P100K pa-allowance pa sa mga Olympians, Paralympians
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa additional allowance na P100,000 para sa 19 Pinoy Olympians at anim na Paralympians sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, ipinapakita lamang ng Presidente ang kanyang pagmamahal sa mga atleta. “Our athletes deserve this additional show of support,” aniya. “Thank you President Duterte sa lagi niyong suporta sa ating mga atleta.”
Ang nasabing karagdagang allowance rekomendasyon ni Senate Committee on Sports Chairman Senator Bong Go at ng PSC.
- Latest