_pang-masa
^

PM Sports

Parks lalaro rin sa Japan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakakuha na ng clearance si Ray Parks Jr. ng TNT Tropang Giga upang makapaglaro sa Japan B. League kasama ng dumadaming Filipino talents doon.

Nabigyan ng go-signal ang ace guard matapos ang request ng Japan B. League sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isinumite rin sa PBA bago sa mother team ni Parks na TNT, ayon sa mga ulat.

Paso na ang isang taong kontrata ni Parks sa TNT at nasa extension negotiation ang dalawang kampo nitong offseason bago siya magdesisyong mag-sit-out muna ngayong taon sa diumanoy personal na dahilan.

Hindi idinetalye kung saang B.League team maglalaro si Parks subalit siya na ang magiging ikalimang Pinoy import sa Japan kung sakali.

BOBBY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with