_pang-masa
^

PM Sports

Jakarta FIBA Asia Cup inurong sa 2022

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naunsiyami ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup matapos iurong ng International Basketball Fede-ration (FIBA) ang torneo sa 2022 mula sa orihinal na iskedyul sana ngayong  Agosto 17-29 bunsod ng kasalukuyang sitwasyon sa host country na Indonesia.

“This evaluation has taken into consideration multiple aspects such as current travel restrictions, the well-being of the participants, fan access and experience, and the objective of ensuring the highest quality of events,” anang FIBA.

Buo ang suporta ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa desisyon na ito ng FIBA kasabay ng pagpapaabot ng simpatya sa kaibigang Indonesia na nakakaranas ngayon ng COVID-19 surge bunsod ng mas nakakahawang Delta variant.

“The safety of everyone involved was the priority of FIBA and this led to the decision to postpone the FIBA Asia Cup,” ani SBP president Al Panilio, na nagsisilbi ring second vice president ng FIBA Asia Central Board. “We commiserate with our friends from Indonesia during these very difficult time.”

Nakapasok ang Gilas sa Asia Cup matapos walisin ang huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga na ilang buwan ding napurnada bunsod ng travel bans at COVID-19 surges sa iba’t ibang bansa.

Kahapon lang ay lumipad ang Gilas pa-Jordan para sa King Abdullah Cup bilang final build-up nila para sa Asia Cup, na malaking bagay pa rin para sa Nationals ayon kay Panlilio kahit pa sa susunod na taon pa ang Asian meet.

“Our young squad will still greatly benefit from the games they will play against Tunisia, Saudi Arabia, Egypt, and Jordan and they will surely put that experience to good use come July of 2022,” aniya.

Kasama ni head coach at program director Tab Baldwin na bumiyahe pa-Jordan ang 15-man roster sa pangunguna ng nagbabalik na sina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Rey Suerte at Dave Ildefonso at mga pambatong sina naturalized player Ange Kouame, Dwight Ramos, Justine Baltazar, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Jordan Heading, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Isaac Go at Geo Chiu.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with