_pang-masa
^

PM Sports

Gin Kings nakabawi

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napabayaan man ang itinayong double-digit lead ay hindi naman isinuko ng Barangay Ginebra ang panalo.

Nalampasan ng Gin Kings ang pagbangon ng Blackwater Bossing mula sa 17-point deficit sa second period para kunin ang 96-81 panalo sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagposte si guard Stanley Pringle ng 19 points, 6 rebounds at 6 assists, habang may 17, 16 at 14 markers sina LA Tenorio, Prince Caperal at Japeth Aguilar, ayon sa pagkakasunod.

“We just follow the coaches’ guidance and be ready for the next game,” sabi ni Pringle. “It wasn’t too many adjustments but definitely more effort.”

Nakabawi ang Ginebra mula sa nauna nilang kabiguan sa NLEX para itala ang 1-1 record kasabay ng paghuhulog sa Blackwater sa 0-3 marka.

Nagtuwang sina Tenorio, Pringle at Christian Standhardinger para mu-ling ilayo ang Ginebra sa 94-81 sa huling 1:21 minuto ng final canto.

Tumapos ang 6-foot-8 na si Standhardinger na may 19 rebounds, 4 assists at 11 points para sa kanyang ikalawang laro para sa tropa ni coach Tim Cone.

Pinamunuan ni Tolomia ang Blackwater sa kanyang 22 points.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with