Pinoy coach pauuwiin ng Pinas
TOKYO — Nakatakdang pauwiin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang isang coach ng Team Philippines dahil sa paglalabas ng false positive at negative tests para sa COVID-19.
Hindi pinangalanan ang nasabing coach.
“While waiting for another confirmatory test, I have ordered our chef de mission Mariano Araneta to separate him from our team,” wika ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
“If the next result is negative, we are sending him home. If he again tests positive, he will be brought to a quarantine hospital,” dagdag pa nito.
Nang maglabas ang nasabing coach ng false positive test ay kaagad siyang ipinasok sa isolation at isinailalim sa isang confirmatory test na nagresulta naman ng negative.
Sa kanyang ikatlong test ay isa namang false positive ang inilabas ng coach na kasalukuyang nilalagnat.
- Latest