_pang-masa
^
Sotto, Koame aasahan uli ng Gilas sa FIBA OQT
Kai Sotto at Ange Kouame

Sotto, Koame aasahan uli ng Gilas sa FIBA OQT

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasado na ang final 12 lineup ng Gilas Pilipinas sa pangunguna nina naturalized player Ange Kouame at teen tower sensation Kai Sotto para sa bigating misyon sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29-Hulyo 4.

Kasama nina Kouame at Sotto sa final roster na inanunsyo kahapon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang iba pang standouts ng FIBA Asia Cup Qualifiers na sina Dwight Ramos, Will Navarro, Justine Baltazar, Isaac Go, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Geo Chiu, Jordan Heading at Mike Nieto.

Swak din sa koponan si Carl Tamayo na malapit nang maka-recover mula sa ankle injury matapos walisin ng Gilas ang Asia Cup Qualifiers noong nakaraang linggo sa Clark, Pampanga.

Na-cut sa Gilas roster ang 18-anyos na si Lebron Lopez na siyang pinakabata sa koponan. Nauna nang natanggal sa original 15-man squad sina Jaydee Tungcab at Javi Gomez De Liano.

“At this stage, and with the strict FIBA protocols, there is no opportunity to bring LeBron to Serbia for the experience of being a part of the travelling pool and learning more from his more experienced Gilas brothers,” ani Ryan Gregorio, special assistant ni SBP president Al Panlilio.

Sa kabila nito ay mananatiling malaking bahagi ng national team program ang high school ace na si Lopez, paniguro ni head coach at program director Tab Baldwin.

Umalis na kahapon pa-Belgrade ang Gilas subalit nagkaroon muna ng solidong tune-up game kamakalawa ng gabi kontra sa China na nagpa-iwan din sa Clark kasama ang Pinoy team pagkatapos ng Asia Cup Qualifiers.

Nakapuwersa ang Gilas ng 79-79 draw sa Asian powerhouse na China kahit hindi nakapag-laro sina Ramos (groin) at Tamayo (ankle) na may iniindang injuries.

Sa Belgrade kung saan kasama ng Gilas sa Group A ang host na Serbia at Dominican Republic, ay hindi na magkakaroon ng tune-ups ang Nationals at pupuliduhin na lang ang preparasyon.

Kasama rin sa Belgrade OQT ang Italy, Puerto Rico at Senegal. Isa lang mula sa anim na teams ang aabante sa Tokyo Olympics.

Kasama ang iba pang OQT winners sa Croatia, Lithuania at Canada -- kung saan maglalaro ang China -- ay aabante ang Belgrade OQT champion sa Tokyo kung saan qualified na ang 2016 Olympic gold medalist USA, 2019 FIBA World Cup champion Spain, Iran, France, Australia, Nigeria, Argentina at host na Japan.

 

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with