_pang-masa
^

Hawks nalusutan ang Bucks sa Game 1

(Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MILWAUKEE — Nagpasabog si Trae Young ng 48 points at isinalpak ni Clint Capela ang isang go-ahead putback sa huling 29.8 segundo sa 116-113 paglusot ng Atlanta Hawks sa Bucks sa Game One ng kanilang Eastern Conference finals series.

Tumapos si Capela na may 12 markers at 19 rebounds at nagtala si John Collins ng 23 markers at 15 boards.

Ipinalasap ng Atlanta ang unang home loss ng Milwaukee sa postseason.

“I felt we’ve built ourselves to be able to play on the road,” wika ni Hawks coach Nate McMillan sa kanilang 6-2 road playoff games record. “I’ve told them that. They’re built for this.”

Nakatakda ang Game Two bukas sa balwarte pa rin ng Milwaukee.

Binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 34 points, 12 rebounds at 9 assists at nagtala si Jrue Holiday ng 33 points at 10 assists.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 15 points ngunit nabigong maipasok ang panabla sanang 3-pointer.

Nagtuwang sina Antetokounmpo at Holiday para ibigay sa Bucks ang 105-98 abante sa huling 4:18 minuto ng fourth period habang binanderahan ni Young ang pagresbak ng Hawks kasama ang dalawang free throws sa nalalabing 4.6 segundo.

Samantala, posible nang maglaro si Chris Paul para sa Phoenix Suns sa Game Three ng kanilang Western Conference finals series ng Los Angeles Clippers.

Hindi pa rin makikita sa aksyon sa panig ng Clippers si star forward Kawhi Leonard na nagrerekober sa kanyang sprained right knee.

Tangan ng Suns ang 2-0 bentahe sa kanilang serye ng Clippers.

HAWKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with