_pang-masa
^

US Olympic basketball team buo na

(Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MIAMI — Pormal nang tinanggap ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra ang imbitasyon para sumama sa USA Basketball coaching staff para sa preparasyon sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Si Spoelstra ang gigiya sa US select team — grupo ng mga players na makikipag-ensayo at makikipaglaro sa Olympic squad na hahawakan ni head coach Gregg Popovich ng San Antonio Spurs.

Babanderahan ni Kevin Durant ng Brooklyn Nets ang Team USA sa pagdedepensa ng korona sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Makakasama uli ni Durant sa ikatlong sunod na pagkakataon sa US Olympic squad si Golden State Warriors forward Draymond Green bukod pa kina Damian Lillard ng Portland Trail Blazers, Bradley Beal ng Washington Wizards, Bam Adebayo ng Miami Heat, Jayson Tatum ng Boston Celtics at  Kevin Love ng Cleveland Cavaliers.

Nasa grupo rin sina Bucks stars Khris Middleton at Jrue Holiday kasama si Devin Booker ng Phoenix na kasalukuyang naglalaban sa Western Conference Finals.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with