_pang-masa
^

PBA games sa Antipolo o Pasig

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng PBA ang dalawang posibleng venues ng Season 46 habang naghihintay ng go-signal ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Commissioner Willie Marcial  sa pakiki-pagtulungan kay dating Rizal governor at Antipolo City Mayor Jun Ynares ay inaayos na ang Ynares Sports Center sa Antipolo at Ynares Sports Arena sa Pasig bilang paghahanda sa pagbabalik aksyon ng PBA.

Isa sa kailangang ayusin ay ang flooring at pinapaganda na rin ang dalawang courts lalo’t parehong matagal-tagal na natengga bunsod ng pandemya.

“OK sila kahit saang venue, ma-Antipolo ‘yan or ma-Pasig pa,” ani Marcial.

Isa sa regular na out-of-town playing venue ng PBA ang Ynares Center habang regular venue naman ng PBA D-League ang Ynares Arena.

Nakapila na sa IATF ang request ng PBA na pagbubukas ng 2021 season sa July matapos i-sumite ni Marcial kamakalawa ang formal letter na naglalaman ng nine-page protocols.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with