_pang-masa
^

Casimero, Donaire walang personalan

Chris Co (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang makipagbangasan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero kay World Boxing Council (WBC) titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Agosto 14 (Agosto 15 sa Maynila).

Mataas ang respeto ni Casimero kay Donaire suba-lit sa oras na tumuntong na sila sa ibabaw ng ring, walang kababayan-kababayan para kay Casimero dahil nangako itong ilalabas niya ang bagsik ng kaniyang kamao.

“I respect Donaire, but when the fight comes, it’ll be a real slugfest. We all know Donaire is good, but I’m in my prime and it is my time now,” ani Casimero sa Bloddy Elbow.

Aminado si Casimero na isa ang labang ito sa magbubukas ng mas ma-gandang oportunidad sa kanya.

Matagal ding naghintay si Casimero sa ganitong uri ng laban kaya’t wala itong ibang nasa isip kundi ang makuha ang panalo at maagaw ang WBC belt ni Donaire. “I can already smell my destiny coming. I’ve reached the best, the goal that I’ve been trying to achieve for a long time. We all wanted to be the best, and it happened that now two Filipinos will be fighting,” dagdag ni Casimero.

 

JOHN RIEL CASIMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with