_pang-masa
^
Pagunsan pang-13 Pinoy sa Olympics
Juvic Pagunsan

Pagunsan pang-13 Pinoy sa Olympics

Russell Cadayona (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Opisyal nang napasama ang pangalan ni national golfer Juvic Pagunsan sa mga hahataw sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Si Pagunsan ang ika-13 Olympic qualifier ng bansa matapos sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weighlifter Hidilyn Diaz, Elreen Ando, shooter Jayson Valdez, pole vaulter Ernest John Obie-na, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Tumapos ang 43-anyos na si Pagunsan sa No. 50 para mapabilang sa 60 golfers na papalo sa men’s competition sa Hulyo 29 hanggang Agosto 1 sa Kasumigaseki Country Club.

Noong 2016 Olympics na idinaos sa Rio de Janeiro ay isinabak ng bansa si Miguel Tabuena, habang umatras naman sina Angelo Que at Dottie Ardina dahil sa takot sa dating pandemyang Zika virus.

Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Tiniyak ni National Golf Association of the Phi-lippines (NGAP) secretary-general Bones Floro ang paglahok ni Pagunsan sa 2021 Tokyo Olympics.

Isa sa mga plano ni Pagunsan ngayong taon kung hindi makakasama sa Tokyo Olympics ay ang pag-lalaro sa British Open sa Hulyo 11-18.

Maliban kay Pagunsan, nagkampeon sa nakaraang Mizuno Cup ng Japan Golf Tour, inaasahan ring pormal na makukuha ang Olympic ticket sina 2021 US Open Women’s champion Yuka Saso (kasalukuyang No. 8 sa pinakabagong Olympic rankings at Bianca Pagdanganan, nasa No. 42 naman.

 

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with