^

PM Sports

Gilas at China magkakasubukan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakasubukan ang Gilas Pilipinas at China sa pambihirang tune-up game ngayon bilang paghahanda sa lalahukang magkahiwalay na FIBA Olympic Qualifying Tournaments para sa Tokyo Olympics.

Magpapambuno ang dalawang Asian powerhouses sa alas-4:30 ng hapon sa AUF Sports and Cultural Center sa Clark, Pampanga bago sila lumipad patungong sa Serbia at Canada para sa FIBA OQT na aarangkada simula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Parehong nagpaiwan  ang Gilas at China sa Clark pagkatapos ng huling window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na pareho nilang na-sweep upang manguna sa Group A at B, ayon sa pagkakasunod.

Bibida sa Gilas sina Ange Kouame, Kai Sotto at Dwight Ramos habang babanderahan ang China ni dating NBA player Zhou Qi.

Pagkatapos ng kanilang tune-up ay lilipad ang Gilas pa-Serbia kung saan ka-grupo nila ang host country at Dominican Republic sa Group A. Nasa Group B naman ang Puerto Rico, Italy at Senegal.

Sa Canada OQT naman sasabak ang China kasama ang host nation at Greece sa Group A habang nasa Group B ang Czech Republic, Turkey at Uruguay

Tig-iisa lang mula sa 6-team OQT ng Serbia, Canada, gayundin sa Lithuania at Croatia, ang aabante sa Tokyo upang kumpletuhin ang 12-team Olympics na pinapangunahan ng qualified squads na Japan bilang host, reigning Olympic champion USA at World Cup gold medalist Spain.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with