Desisyon ng Vietnam sa SEAG inaabangan
MANILA, Philippines — Sa susunod na mga araw ay inaasahang magkakaroon na ng final decision ang Vietnam kung itutuloy ba o iaatras nila ang pagtatanghal ng 31st Southeast Asian Games (SEAG).
Ito ang sinabi kahapon ni Philippine Sports Commissioner at SEA Games Chef De Mission Ramon Fernandez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition.
“We’re still really awaiting for the outcome of the meeting of the (SEAG) Federation. I believe they moved it to the 24th (June),” ani Fernandez. “But just the same, we are ready. The NSAs (National Sports Associations) we like to believe are ready.”
Hiniling ng Vietnam sa SEAG Federation Council na iurong ang pagdaraos ng SEA Games sa Hulyo ng susunod na taon dahil sa pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa. Ngunit sa 2022 ay nakaiskedyul ang Winter Olympics sa Pebrero 4-20 sa Beijing, China, ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Marso 10-20 sa Thailand at ang Asian Games sa Setyembre 10-25 sa Hangzhou, China.
Kaya gusto ng Pilipinas, Thailand, Singapore, Malaysia, Brunei, Cambodia, Indonesia at Timor Leste na ituloy ang biennial event ngayong taon.
- Latest