^

PM Sports

Gilas walang pahi-pahinga

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang ensayo ng Gilas Pilipinas kahit pa kagagaling lang sa impresibong kampan-ya sa katatapos na 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong weekend sa AUF Sports and Cultural Center sa Clark, Pampanga.

Winalis ng Gilas ang buong kompetisyon upang manguna sa Group A na may 6-0 baraha subalit nanatili pa sila sa Clark bubble upang ipagpatuloy ang training para naman sa susunod na laban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia ngayong katapusan ng buwan.

Walang panahon para magdiwang ang Nationals na nagpahinga lang ng isang araw kahapon at babalik na agad sa ensayo ngayong araw matapos ang tatlong panalo sa Clark window upang maipormalisa ang pagpasok sa FIBA Asia Cup sa Agosto na gaganapin sa Indonesia.

Hindi rin muna umalis sa Clark ang China na magkakaroon ng tune-up games kontra sa Gilas, ayon kay coach Tab Baldwin.

“Every game that we can get for these young men is extremely important and it will help us prepare. China is an elite Asian team so if we get a chance to play against them, that’ll be great for us,” aniya.

Kagaya ng Gilas ay winalis din ng China ang mga laro nito sa Group B kasama ang Japan at Chinese Taipei.

Saglit lang mag-eensayo ang Gilas sa Clark bago sila tumulak pa-Belgrade sa Huwebes para sa FIBA OQT na lalarga mula sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Sa Belgrade, makakaharap nila ang host na Serbia at Dominican Republic ng Group A. Nasa Group B naman ang Se-negal, Puerto Rico at Italy at isa lang mula sa anim na teams ang aabante sa Tokyo Olympics kasama ang mga mananalo sa iba pang OQT sa Canada, Croatia at Lithuania.

Walang idadagdag na players ang Gilas papunta sa Serbia at pananatilihin ang core nito na magilas ang ipinamalas sa Clark kabilang na ang 2-0 sweep kontra sa karibal na South Korea.

“The players that we have here in this bubble are the players that will go to Serbia,” dagdag ni Baldwin sa koponang binabanderahan nina Kai Sotto, Ange Kouame at Dwight Ramos.

Nagpasiklab din sa Nationals sina SJ Belangel, Justine Baltazar, Will Navarro, Isaac Go, Jaydee Tungcab, Jordan Heading, Javi Gomez De Liano, RJ Abarrientos, Lebron Lopez, Geo Chiu at Mike Nieto.

Kasama rin si Carl Tamayo subalit hindi pa alam kung makakalaro na agad matapos magtamo ng ankle injury gayundin ang iba pang Gilas vete-rans na sina Dave Ildefonso, Matt Nieto at Rey Suerte na hindi nakasama sa Clark bunsod ng injuries sa training camp nila sa Laguna.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with