_pang-masa
^

‘Di kinaya ni Dasmariñas

Chris Co (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumasap si Michael Dasmarinas ng third-round technical knockout loss kay IBF at WBA bantamweight champion Naoya Inoue kahapon sa Virgin Hotels sa Las Vegas, Nevada.

Maganda man ang simula ni Dasmarinas na nagawang makipagsabayan sa Japanese fighter sa unang dalawang rounds subalit agresibong lumabas si Inoue sa third round nang magpakawala ito ng ilang mala-lakas na body shots.

Isang solidong left shot ang pinakawalan ni Inoue na tunay na ininda ni Dasmarinas.

Nagawa pang makatayo ni Dasmarinas para maipagpatuloy ang laban ngunit muling umatake ng uppercut si Inoue na nagpabagsak sa Pinoy bet sa loob ng 2:45 sa third round para tuluyan nang matagumpay na maipagtanggol ang kanyang dalawang world titles.

Napanatili ni Inoue ang malinis na 21-0 rekord kabilang ang 18 knockouts habang bumagsak si Dasmariñas sa 30-3-1 baraha.

Inaasahang makakasagupa ni Inoue ang magwawagi sa pagitan nina WBC king Nonito Donaire Jr. at WBO champion John Riel Casimero sa Agosto 14.

Personal na nanood sina Donaire at Casimero sa bakbakang Inoue-Dasmarinas sa Las Vegas, Nevada.

“Basically, becoming the undisputed champion means I’m the best in that weight class. To prove that, that’s why I’m going after all four belts,” ani Inoue.

WBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with