_pang-masa
^

PBA mananatiling partner ng SBP

Chris Co (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatiling magkaakibat ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) sa pagpapalakas ng programa sa basketball sa bansa.

Ito ang iginiit ng SBP matapos maglabasan ang ilang malisyosong post sa social media na tila pinagsasabong ang basketball association at ang liga.

Ayon sa paglilinaw ng SBP, buong-buo ang ugnayan ng asosasyon at PBA na matagal nang magkatuwang sa pagbuo ng malakas na national team sa mga international tournaments.

“The SBP has always valued our partnership with the PBA and we will continue to work with them for the good of Philippine basketball,” ayon sa SBP.

Nagpasyang maglabas ng statement ang SBP matapos lumutang ang isang Gilas Pilipinas Facebook page na binanatan ang PBA at ilang PBA players.

Nakasaad sa post na dahil sa magandang ipinapakita ng bagitong Gilas Pilipinas squad sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga ay hindi na kailangan pa ng SBP ang PBA.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas is not in any way related to the Gilas Pilipinas Facebook account that made a malicious post against the PBA and PBA players,” paglilinaw ng SBP.

Pinag-aaralan na ng SBP ang pagsasampa ng kaso sa sinumang nagmamay-ari ng naturang Gilas Pilipinas Facebook account.

“The SBP is already looking at our legal options on this matter,” ayon pa sa SBP.

Nais ng SBP na maging magandang inspirasyon ang magandang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers upang magkaisa ang lahat ng basketball stakeholders sa bansa.

“Gilas Pilipinas, in their two games at the FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers in Clark, Pampanga, has inspired Filipinos to unite in support of them. Unity is the message that the team will continue to convey,” pagtatapos ng SBP statement.  

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with