^

PM Sports

Mabigat ang laban sa FIBA OQT

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masusubukan ang lakas ng Gilas Pilipinas dahil daraan ito sa dalawang- sunod na laro sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hunyo 29 hanggang 30 sa Belgrade, Serbia.

Sa inilabas na sche-dule ng FIBA, unang sasalang ang Gilas Pilipinas sa alas-2:15 ng umaga sa Hulyo 1 (oras sa Maynila) kung saan makakasagupa nito ang host Serbia.

Haharap ang bagitong Gilas squad sa veteran Serbian team na babanderahan nina NBA stars Bogdan Bogdanovic, Boban Marjanovic at Aleksej Pokusevski.

Agad itong susundan ng laban ng Gilas kontra sa Dominican Republic sa alas-2:15 ng umaga sa Hulyo 2 (oras sa Maynila)

Magkakasama ang Pilipinas, Serbia at Dominican Republic sa Group A.

Maghaharap ang Serbia at Dominican Republic sa  alas-2:15 ng umaga sa Hunyo 30 (oras sa Maynila). Gaganapin ang mga laro sa Aleksandar Nikolic Hall.

Kasalukuyang sumasabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga at pagkatapos nito ay diretso na sa Serbia.

 

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with